Panuntunan 81
1. Sa isang bilangguan para sa mga kalalakihan at kababaihan, ang bahagi ng bilangguang inilaan para sa mga kababaihan ay dapat nasa ilalim ng awtoridad ng isang responsableng babaeng kawaning siyang mag-iingat sa mga susi ng lahat ng bahaging iyon ng bilangguan.
2. Walang lalaking kawani ang maaaring pumasok sa bahagi ng bilangguang inilaan para sa mga kababaihan maliban kung may kasamang babaeng kawani.
3. Dapat alagaan at pangasiwaan lamang ng mga babaeng kawani ang mga babaeng bilanggo. Gayunpaman, hindi nito pinipigilan ang mga lalaking kawani, lalo na ang mga doktor at guro, na isagawa ang kanilang mga propesyonal na tungkulin sa mga bilangguan o mga bahagi ng bilangguang inilaan para sa mga kababaihan.
Panuntunan 82
1. Hindi dapat gumamit ng puwersa ang mga kawani ng bilangguan, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bilanggo, maliban sa pagtatanggol sa sarili o sa mga kaso ng tangkang pagtakas, o aktibo o pasibong pisikal na paglaban sa isang utos batay sa batas o regulasyon. Ang mga kawani ng bilangguang maaaring gumamit ng puwersa ay hindi dapat gumamit ng higit sa mahigpit na kinakailangan at dapat iulat agad ang insidente sa direktor ng bilangguan.
2. Dapat bigyan ng espesyal na pisikal na pagsasanay ang mga kawani ng bilangguan upang kaya nilang pigilan ang mga agresibong bilanggo.
3. Maliban sa mga espesyal na pagkakataon, hindi dapat armado ang mga kawani ng bilangguang gumagampan ng mga tungkuling direktang nakikipag-ugnayan sa mga bilanggo. Bukod pa rito, hindi dapat bigyan ng mga armas sa anumang sirkumstansya ang mga kawani ng bilangguan maliban kung sinamay sila sa paggamit ng mga iyon.
Mga panloob at panlabas na inspeksyon
Tuntunin 83
1. Magkakaroon ng dalawang sistema para sa mga regular na inspeksyon ng mga bilangguan at mga serbisyong penal:
(a) Mga panloob o administratibong inspeksyong isinasagawa ng sentral na administrasyon ng bilangguan;
(b) Mga panlabas na inspeksyong isinasagawa ng isang lupong independiyente sa administrasyon ng bilangguan, na maaaring kabilang ang mga karampatang internasyonal o rehiyonal na mga lupon.
2. Sa parehong kaso, ang layunin ng mga inspeksyon ay upang matiyak na ang mga bilangguan ay pinangangasiwaan alinsunod sa mga umiiral na batas, regulasyon, patakaran at pamamaraan, na may layuning maisakatuparan ang layunin ng serbisyong penal at koreksyon, at ang mga karapatan ng mga bilanggo ay protektado.
Panuntunan 84
1. Ang mga inspektor ay may awtoridad na:
(a) Maakses ang lahat ng impormasyon tungkol sa bilang ng mga bilanggo at mga lugar at lokasyon ng detensyon, pati na rin ang lahat ng impormasyong may kaugnayan sa pagtrato sa mga bilanggo, kabilang ang kanilang mga rekord at mga kondisyon ng detensyon;
(b) Malayang pumili kung aling mga bilangguan ang bibisitahin, kabilang ang paggawa ng mga hindi ipinabatid na pagbisita sa kanilang sariling inisyatibo, at kung aling mga bilanggo ang iinterbyuhin;
(c) Magsagawa ng pribado at ganap na kumpidensyal na mga panayam sa mga bilanggo at kawani ng bilangguan sa panahon ng kanilang pagbisita;
(d) Magbigay ng mga rekomendasyon sa administrasyon ng bilangguan at iba pang mga may kakayahang awtoridad.
2. Ang mga panlabas na pangkat ng inspeksyon ay bubuuin ng mga kwalipikado at may karanasang inspektor na hinirang ng isang may kakayahang awtoridad at dapat saklawin ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Dapat bigyang-pansin ang balanseng representasyon ng kasarian.
Panuntunan 85
1. Ang bawat inspeksyon ay dapat sundan ng isang nakasulat na ulat na isusumite sa may kakayahang awtoridad. Dapat bigyang-pansin ang paggawa ng mga ulat ng mga panlabas na inspeksyon na magagamit sa publiko, hindi kasama ang anumang personal na datos sa mga bilanggo maliban kung nagbigay sila ng kanilang tahasang pahintulot.
2. Ang administrasyon ng bilangguan o iba pang may kakayahang awtoridad, kung naaangkop, ay dapat magpahiwatig, sa loob ng makatwirang panahon, kung ipatutupad nila ang mga rekomendasyong resulta ng panlabas na inspeksyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento